CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang lalaking Nigerian, na pinaniniwalaang miyembro ng West African Drug Syndicate na kumikilos sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan sa Central Luzon, ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 at PDEA-National Capital Region sa operasyon sa loob ng isang resto bar sa Don Juan Sumulong Highway sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni PDEA-Region 3 Director Emerson Margate ang suspek na si Ejiye Okoye, alyas Martin, Nigerian, 33, at kasalukuyang nakatira sa Marikina City.

Sinabi ni Margate na dalawang taon nang nakatira sa bansa si Okoye at nagtatrabaho bilang football coach sa bansa upang itago ang mga ilegal niyang aktibidad.

“PDEA-3 agents were able to secure a drug deal from Okoye for a purchase of 300 grams of shabu for P360,000.00 and agreed to meet inside a resto bar in Marikina City where he was collared by our operatives,” ani Margate.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska mula sa Nigerian ang anim na medium-sized resealable transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P1,050,000, bukod pa sa marked money.

Dinala ang suspek sa piitan ng PDEA sa Camp Olivas sa San Fernando City, Pampanga para sa imbestigasyon.

(FRANCO G. REGALA)