Maglalaan ang Department of National Defense (DND) ng P80,400,000 para sa pagbili ng “Virtual-Tactical Engagement Simulation System Lot 2″ (Virtual TESS) na gagamitin ng Armed Forces of the Philippines.
Ang Virtual TESS ay isang training system para sa paggamit ng mga armas. Kadalasang laser transmitters ang ginagamit sa halip na mga bala, larger rounds, o shorter-range guided weapons. Ito ay kinabibilangan ng initial Integrated Logistics Support para sa mga kagamitan.
Itinakda ang pre-bid conference sa Hulyo 19, 10:00 ng umaga, sa DND BAC Conference Room, Basement, DND Building, Camp Aguinaldo, Quezon City. Gaganapin ang bid opening sa Agosto 2, 10:00 ng umaga sa parehong lugar. (PNA)