LA PAZ, Tarlac - Nakalambat na naman ng dalawang hinihinalang drug pusher ang alertong grupo ng La Paz Police matapos silang magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Bantog, La Paz, Tarlac.

Ang matagumpay na pagkakaaresto kina Jayson Rebolledo, 25; at Rex Agad, 36, ng Bgy. Comillas, La Paz, ay sa superbisyon ni Chief Insp. Rocky Ramos De Guzman, OIC ng La Paz Police, at nakarekober sila ng dalawang transparent plastic sachet na may 0.189 gramo ng hinihinalang shabu at tatlong piraso ng P100 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog