LONDON (AP) – Ginapi ng tambalan nina Fil-Am Treat Huey at Max Mirnyi sina wildcard entry Jonathan Marray ng England at Adil Shamasdin ng Canada, 6-4, 7-6, 6-3, para makausad sa semifinals ng men’s double event ng Wimbledon.

Haharapin nina Huey at Mirnyi ang top-seeded Frenchmen na sina Pierre-Hugues Herbert at Nicolas Mahut.

Nakausad sa quarterfinals ang tambalang Pinoy/Belarussian nang pabagsakin ang liyamadong sina Oliver Marach ng Austria at Fabrice Martin ng France, 6-3, 6-2, 7-6.

Sinimulan nina Huey at Mirnyi ang kampanya sa panalo kontra kina Pablo Carreno Busta at Guillermo Garcia-Lopez ng Spain, 6-3-7-5, bago nagwagi kina Marcelo Demoliner ng Brazil at Aisam-ul-Haq Qureshi ng Pakistan, 6-4, 6-7, 6-3.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!