July 9, 2006 nang isagawa ang pinakamalaking parada ng mga sasakyang Fiat sa pagitan ng Villanova d’Albenga at Garlenda sa Italy. Naitala sa Guinness Book of World Records ang nasabing kaganapan, na inorganisa ng Fiat 500 Club Italia.

Isinagawa ng “Amici della 500”(Friends of the 500) ang una nitong rally noong Hulyo 15, 1984. Ang nasabing samahan, na binubuo ng mahigit 200,000 miyembro, ay opisyal na itinatag noong 1990.

Bago ang World War II, inilunsad ng automobile firm na Fiat ang isang maliit na 500-cc na sasakyan na tinawag na “Il Topolino.” Hulyo 4, 1957 nang ilabas naman ang two-cylinder vehicle na tinawag na “Nuova Cinquecento”. Ang “500” na sasakyan, kahawig ng Volkswagen Beetle, ay sumisimbolo sa post-war Italy.

Nakaranas ang Fiat ng problemang pinansiyal sa pagkakaroon ng mahigpit na kakumpetensiya mula sa iba’t ibang car maker. Taong 2007 nang inilunsad ng Fiat ang bagong bihis na Cinquecento.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens