PEÑARANDA, Nueva Ecija - Pitong tama ng bala sa katawan ang ikinasawi ng isang 60-anyos na lalaki makaraan siyang pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem sa Purok 6, Barangay Sto. Tomas sa bayang ito, nitong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ng Peñaranda Police ang biktimang si Regino Peña y Lajom, alyas “Puti”, binata, tricycle driver, at residente ng nasabing lugar, na agad na nasawi.

Sa imbestigasyon nina PO3 Reynante Basilio at PO1 Jeffrey Pineda, dakong 12:10 ng tanghali nitong Huwebes at nagpapahinga ang biktima nang biglang sumulpot ang magkaangkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril si Peña, na lulan sa isang Kawasaki CT-100 Bajaj na walang plaka.

Ayon sa record ng pulisya, si Peña ay nasa watch list ng drug personalities ng Peñaranda Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog