BREBES, Indonesia (AFP) – Labindalawang katao ang namatay sa tatlong araw ng mahabang trapik sa Indonesia na umabot ng mahigit 20 kilometro at na-stranded ang libu-libong nagbabakasyon para sa pagtatapos ng Ramadan, sinabi ng transport ministry noong Biyernes.

Napakatindi ng trapik sa isang pangunahing highway junction sa lungsod ng Brebes sa isla ng Java, na binansagan ito ng mga Indonesian na disastrous toll gate “Brexit”, mula sa mga salitang “Brebes exit”.

Nangyari ang mga pagkamatay noong Hulyo 3 at Hulyo 5. Karamihan sa mga biktima ay matatanda na namatay sa pagod at kumplikasyon sa sakit. Kabilang sa mga namatay ang isang taong gulang na nalason ng usok mula sa mga tambutso.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina