Bimby copy

PINAGUPITAN na ni Kris Aquino si Bimby at agad itong nag-trending sa social media. Natutuwa kasi ang mga may ayaw sa dating hairstyle ng bagets na mahaba at parang may side bangs.

Ipinost ni Kris sa Instagram ang picture ni Bimby with his new hair at may caption na, “Bimb wanted to grow his hair.

I was against it, but I had to let him discover for himself that choosing something high maintenance & complicated really isn’t worth the effort. #lifelessons.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagustuhan ng followers ni Kris at ng fans na rin ni Bimby ang bagong hairstyle dahil maaga pa lang mula nang i-post ni Kris ang picture, nakakuha agad ng 16,262 likes.

Mas marami ring positive comments sa new haircut ng bunso ni Kris, gaya ng mas lumitaw ng kaguwapuhan at mas bagay sa kanya ang gupit. 

Kung nababasa ni Bimby ang mga comment, matutuwa ito at malalamang nice move ang ginawa niyang pagpapagupit.

Anyway, ang hinihintay pa ng fans ni Kris ay ang announcement niya kung kailan siya babalik sa telebisyon dahil miss na miss na nila ang Queen of All Media. (Nitz Miralles)