Bagamat matindi ang kasikatan ng Mediterranean diet, kalimitan namang iniitsapwera ng mga nangangarap magkaroon ng “beach bod” ang pasta dahil sa paniniwalang nakadadagdag ito ng timbang. Ngunit hindi na dapat malungkot ang mga pasta lovers sapagkat mayroong bagong pananaliksik na pinabubulaanan ang ating kaalaman tungkol sa pasta.

Madalas na hindi isinasama ang pasta sa nasabing diet dahil punumpuno raw ito ng carbohydrate-based calories — ang kaaway ng mga nagpapapayat. Ang one-cup serving ng spaghetti ay mayroong humigit-kumulang 220 calories. Samakatuwid, ang isang taong seryoso sa pagkamit ng “beach bod”ay maaaring magbawas ng pagkain ng pasta o alisin mismo ito sa kanyang diet.

Subalit kabaligtaran ang natuklasan sa research na na-publish sa Nutrition and Diabetics journal. Sadyang nakagugulat ang resulta ng kanilang pag-aaral.

 Ayon sa author ng nasabing research na si George Pounis, ang pagkain ng pasta ay nakatutulong upang makamit ang malusog na body mass index at mas maliit na beywang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“By analyzing anthropometric data of the participants and their eating habits, we have seen that consumption of pasta, contrary to what many think, is not associated with an increase in body weight; rather the opposite. Our data show that enjoying pasta according to individuals’ needs contributes to a healthy body mass index [BMI], lower waist circumference, and better waist-hip ratio,” saad ni Pounis.

Sinabi rin ni Licia Iacoviello, head ng Laboratory of Molecular and Nutritional Epidemiology sa Neuromed Institute, na ang pasta ay mabuti sa ating kalusugan.

Para sa mga pasta lover — pesto, spaghetti, carborana o lasagña — ito ay isang mabuting balita. Subalit, laging tandaan na gaya ng ibang diet, “moderation is the key to success.” (Medical News Today) (Isinalin ni Gaea Katreena C. Cabico)