ZARAGOZA, Spain (FIBA) – Ginapi ng United States ang Turkey, 96-56, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makopo ang kampeonato sa 2016 FIBA Under-17 World Championship.

Nanguna si team captain Gary Trent Jr. sa US sa naiskor na 17 puntos, habang kumana sina Collin Sexton ng 16 puntos at walong assist, at Wendell Carter Jr. na may 11 puntos at walong 8 rebounds.

Ratsada sa Turkey si Ragip Berke Atar na may 13 puntos.

Bunsod ng panalo, naitala ng USA ang ikaapat na sunod na kampeonato sa biennial tournament.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakopo ng Lithuania ang ikatlong puwesto nang pabagsakin ang Spain, 81-63.

Tinanghal na MVP si Sexton, habang kasama sa All-Star Five sina Carter Jr., Lithuania’s Velicka, Bosnia and Herzegovina guard Dzanan Musa at Spain forward Sergi Martinez.