Ni ALI G. MACABALANG
Pinuri ng libu-libong netizen ang una at maayos na paghaharap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa isang seremonya sa Camp Aguinaldo nitong Biyernes, kaya naman nagmungkahi si dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III na gawin na lang “de facto First Lady in selected functions” ng Pangulo ang Bise Presidente.
“The VP can be the de facto First Lady accompanying the President in selected functions. Hindi tayo mapapahiya with this superb 1-2 punch,” saad sa post ni Alunan sa Facebook nitong Sabado ng gabi.
Nag-upload si Alunan ng apat na litrato na nagpapakita sa dalawang pinakamatataas na opisyal ng bansa habang masayang nag-uusap sa change of command ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes.
Dating Interior and Local Government secretary sa ilalim ng administrasyong Ramos, kumandidatong senador si Alunan sa ticket ng PDP-Laban ni Duterte, ngunit nabigong manalo.
Sa parehong post, sinabi ni Alunan na “since the VP is next in line and a heartbeat away, it would be a food idea is (she) sits in the LEDAC, National Security Council, National Disaster Risk Reduction and Monitoring Council, National Peace and Order Council and be invited to NEDA and NAPC meetings even without a cabinet portfolio.”
Umani naman ng paborableng komento mula sa libu-libong netizen ang nasabing mga post ni Alunan.
“The success of President Duterte’s herculean campaign against corruption and the well-entrenched illegal drugs menace would need national unity, which should start first between our two top elected leaders,” komento ng isang Facebook user, na pinaniniwalaang isang political science professor.
Sinuportahan ng kababaihang netizens ang mungkahi ni Alunan na maging papel ni Robredo bilang “de facto first lady”, upang maiba naman si Duterte kay dating Pangulong Aquino na nagtapos ang anim na taong termino nang walang first lady “in various official occasions.”