LEGAL nang makapagmamaneho si Lady Gaga ngayon! Ibinahagi sa Instagram ng 30 taong gulang na singer na may lisensiya na siya sa pagmamaneho.

“Thelma and Puhleaaaze (And yes I FINALLY got my license after years of driving with an adult present and a learners permit),” ani Gaga. “I’M FREE. Rollin with the homies.”

Sadya nang marunong magmaneho si Gaga noon pa man at ipinapaalam naman niya ito sa kanyang mga account sa social media. Taong 2012, nag-tweet siya na, “Maybe while I’m learning to drive you don’t need to sneak up on me and stick your GIANT camera IN A MOVING VEHICLE.”

May iba pang maipagmamalaki ang Oscar-nominated singer-actress. Nito lamang nakaraang linggo, nakakuwentuhan ni Gaga si Dalai Lama na ibinahagi sa Facebook Live. Sa kanilang pag-uusap na tumagal ng 20 minuto, napag-usapan ng singer at His Holiness ang kapangyarihan ng kabutihan at habag.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Thank you for this special day,” tweet ni Gaga noong Linggo. “Science tells us kindness improves health, let’s take care of the body of our nation.”

Nakiisa si Lady Gaga sa 48 iba pang artista — kabilang na sina Demi Lovato, Kerry Washington at Chaz Bono— na maging bahagi ng Human Rights Campaign upang bigyang-pugay ang 49 na biktima sa Orlando shooting, sa Florida, noong Hunyo 12. (ET Online)