ZAMBOANGA CITY – Dalawampung pulis mula sa magkakaibang himpilan sa Region 9 ang sinibak sa serbisyo dahil sa paggamit ng ilegal na droga, habang anim na iba pa ang nahaharap sa summary proceedings sa kaparehong pagkakamali.

Sinabi kamakalawa ni Police Regional Office (PRO)-9 Deputy Director for Operations Senior Supt. Debold M. Sinas na nagpositibo ang 20 pulis sa paggamit ng droga sa isinagawang random drug testing sa mga pulis sa rehiyon simula 2014.

Ayon kay Sinas, 11 pulis na ang sinibak ng PRO-9 simula noong 2014, anim noong 2015, at anim pa ang nahaharap sa summary proceedings.

Tatlo pang pulis ang nagpositibo sa paggamit ng droga—dalawa mula sa Zamboanga City Police Office at isa mula sa Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, ayon kay Sinas. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito