Mga laro bukas
(San Juan Arena)
9 n.u -- CSB vs Mapua
10:45 n.u. -- Lyceum vs San Beda
12:30 n.t. -- JRU vs Perpetual
2:15 n.h. -- Arellano vs San Sebastian
4:00 n.h. -- Letran vs EAC
Nakabawi ang reigning champion Letran sa opening day jitter nang pabagsakin ang Emilio Aguinaldo College,76-72, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men's basketball tournament, sa San Juan Arena.
Nagsalansan ng 33 puntos si Rey Nambatac, kabilang ang 21 sa first period upang pangunahan ang panalo ng Knights na bumangon mula sa 84-89 kabiguan noong Sabado sa kamay ng Red Lions.
Mula sa 10 puntos na kalamangan, 68-58, mula sa magkasunod na three-pointer ni Nambatac, nakuhang makadikit ng Generals, sa pangunguna ni Hamadou Laminou, sa 72-74, may 1:03 pang nalalabi sa laro.
Ngunit, nagpakatatag ang Knights sa depensa at napigilan ang Generals na makapuntos bago sinelyuhan ni John Calvo ang panalo, may 9.8 segundo pang nalalabi.
"Malakas talaga ang EAC,na overlook lang sila ng ibang team. Nakalaban namin sila nung pre-season kaya parang paalala na rin ito sa ibang team na huwag silang balewalain," pahayag ni Letran coach Jeff Napa.
Tumapos na may 23 puntos si Laminou para sa EAC na bumaba sa 1-1 karta.
Iskor:
Letran (76) - Nambatac 33, Quinto 17, Balanza 7, Sollano 6, Apreku 4, Calvo 4, Balagasay 2, Luib 2, Dela Pena, Ambohootn0, Bernabe 0, Sario 0, Vacaro 0.
EAC (72) - Hamadou 23, King 14, Munsayac 14, Morada 10, Onwubere 4, Pascua 3, Corilla 2, Diego 2, Aguas 0, Estacio 0, Guzman 0, Mendoza 0, Neri 0, Serrano 0.
Quarterscores:
15-10; 41-34; 62-51; 76-72. (MARIVIC AWITAN)