Hunyo 28, 1969 nang sumiklab ang “Stonewall Riots” sa labas ng Stonewall Inn sa New York City, sa pagitan ng mga pulis at mga gay rights activists.

Iginiit ng pulisya na ang inn, na nagsisilbing gay bar, ay nagbebenta ng alak nang walang lisensiya. Maraming gay bar ang nagsara na nang mga panahong iyon. Inoobliga rin ng siyudad ang mamamayan na magsuot ng kahit tatlong piraso ng “gender-appropriate clothing.”

Pinupukol ng mga tao ang mga pulis ng mga bote makaraang sapilitang pasakayin sa sasakyan ang tatlong bading na nakasuot ng pambabae at isang tomboy.

Sumibol ang pandaigdigang gay rights movement sa panahon ng rambulan. Nang mga panahong iyon, ilegal ang mga ugnayang homosexual sa maraming mauunlad na lugar, gaya sa New York City. Ang mga gay bar, kahit pa lehitimong lugar para sa pagsasaya ng mga bakla, ay dumanas ng matinding pananakot mula sa pulisya.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Nagbunsod din ang mga rambulan ng mga pagkilos laban sa socio-political discrimination.