Pormal na sisimulan ni William ‘Butch’ Ramirez -- nagbabalik na chairman ng Philippine Sports Commission -- ang kanyang responsibilidad sa pakikipagpulong sa papalitang PSC Board ngayon.

Nakatakda ang transition meeting ngayong umaga na inaasahan ding bibisitahin ng Davao sportsman ang mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex, gayundin ang dormitoryo ng mga atleta.

Inaasahang makakasama ni Ramirez ang kababayang si Charles Maxey na nahirang din bilang commissioner sa government sports agency. Si Maxey ay dating sports editor sa SunStar Davao bago naging deputy ni Ramirez sa Davao Sports Office.

Kabilang din sa bagong commissioner sina Arnold Agustin, kauna-unahang opisyal sa PSC na nagmula sa hanay ng mga empleyado, Pencak Silat president Celia Kiram at dating PBA hall-of-famer Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Batay sa itinerary ng bagong PSC chairman, magbibigay si Ramirez ng panayam sa media briefing sa ganap na 2:00 ng hapon. (Angie Oredo)