Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekundarya sa bansa na huwag oobligahin ang mga estudyante na magdala ng anumang supplies para sa eskuwelahan, alinsunod sa “no collection” policy ng kagawaran.

Ito ang naging paalala ng DepEd kasunod ng mga ulat na inoobliga ng ilang pampublikong paaralan ang mga estudyante na magdala ng mga utility box at iba pang kagamitan sa eskuwela.

“DepEd emphasized that there are no fees required for the school opening,” una nang binigyang-diin ni Education Secretary Armin Luistro sa kanyang pahayag.

Sa nasabing polisiya ng kagawaran, ipinagbabawal sa lahat ng opisyal ng eskuwelahan na mangolekta ng anumang bayarin sa enrolment at sa mga unang araw ng klase, gayundin para sa mga aktibidad na may kinalaman sa paaralan, gaya ng graduation rites at Christmas party.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We call on all teachers and school officials to see to it that we do not refuse a single student who wants to enrol,” ani Luistro. “We strongly remind them that we do not collect any fees as a requirement for enrolment.”

“School fees should not intimidate parents into bringing their children to school that is why I urge all school officials to strictly observe these guidelines or face administrative sanctions,” babala ng kalihim.

(Merlina Hernando-Malipot)