ISULAN, Sultan Kudarat – Isang babaeng guro sa pampublikong paaralan ang inaresto makaraang makumpiskahan umano ng nasa P100,000 shabu sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Arestado nitong Martes si Noria Oudin y Gudal, 35, may asawa, 11 taon nang guro sa isang pampublikong high school sa Tacurong, at residente ng Barangay New Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ni Oudin ang limang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 74.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Kaugnay nito, sa pagpapatupad ng mga search warrant ay nadakip din ng pulisya ang tatlong lalaki at nakumpiskahan umano ng shabu na sina Benjie Ganding, 28, ng Bgy, San Pablo; Aliman Midtonong, 24, Bgy. New Lagao; at Nasser Musalim, 39, ng Bgy. EJC Montilla. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito