Pormal na inihain sa Korte Suprema ang unang petisyon laban sa pagpapalawig ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato noong nakaraang buwan.

Ang petisyon ay inihain ni retired Col. Justino Padiernos, ang nagtatag ng People’s Freedom Party.

Sa kanilang petisyon, hiniling ni Padiernos na magpalabas ang Korte Suprema ng status quo ante order na pipigil sa pagpapatupad sa resolusyon ng Comelec na nagpapahintulot sa pagpapalawig sa paghahain ng SOCE hanggang sa Hunyo 8.

Paliwanag ng petitioner, kapag napagbigyan ang hirit na SQA order, babalik sa orihinal na deadline ang paghahain ng SOCE, na itinakda ng Hunyo 8.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Naniniwala si Padiernos na ang desisyon ng mayorya sa Comelec en banc ay taliwas sa isinasaad ng RA 7166 na may isang buwan lang ang lahat ng kandidato at partido pulitikal upang maghain ng SOCE pagkatapos ng eleksiyon.

Nababahala rin si Padiernos na magsilbing precedent ang desisyong ito ng Comelec para hindi na seryosohin ang SOCE filing sa mga susunod na eleksiyon sa bansa. (Beth Camia)