MOSCOW (AP) – Labing-apat na bata ang nasawi matapos na lumubog ang sinasakyan nilang mga bangka, sa kasagsagan ng bagyo, sa isang lawa sa hilaga-kanlurang rehiyon ng Karelia sa Russia, at ikinulong ng mga imbestigador ang apat na katao na nag-organisa ng outing sa kabila ng mga babala dahil sa bagyo.

Bumaligtad ang ilang bangka na kinalululanan ng mga bata sa kasagsagan ng bagyo nitong Sabado sa Syamozero, 120 kilometro sa silangan ng hangganan sa Finland, ayon kay Vladimir Markin, tagapagsalita ng pangunahing investigative agency ng bansa.

Sa 47 bata at apat na matatandang lulan sa mga bangka, 14 na paslit ang nasawi, ayon kay Markin.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline