CAIRO (Reuters) – Pinatawan ng isa pang parusa ng habambuhay na pagkabilanggo ang dating presidente ng Egypt na si Mohamed Mursi, matapos mapatunayan ng korte na nagkasala siya sa pag-eespiya at pagbubunyag ng mga sekreto ng estado.

Si Mursi ay nahatulan na sa tatlong iba pang kaso, kabilang ang parusang kamatayan para sa malawakang pagpuga sa kasagsagan ng pag-aaklas noong 2011 laban kay dating Pangulong Hosni Mubarak, at habambuhay na pagkakapiit sa pag-eespiya para sa grupong Palestinian na Hamas.

Sinabi pa ng korte na naaprubahan din ang parusang bitay para sa anim na iba pang kapwa akusado ni Mursi, kabilang ang tatlong mamamahayag na sinentensiyahan in absentia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina