Nakapagtala sina Senators Franklin Drilon at Vicente “Tito Sen” Sotto III ng perfect attendance sa Senado sa katatapos na 16th Congress.

Lumitaw sa talaan ng Senado na present si Sotto sa 214 na plenary session nitong nakaraang taon. Nakakuha rin ng perfect attendance si Sotto sa 15th Congress nang ito ay naging majority leader.

Bilang incumbent Senate President, umani rin ng papuri si Drilon dahil sa kanyang perfect attendance sa nakalipas na tatlong taon simula nang siya ay tumayong leader ng Mataas na Kapulungan noong 2013.

Present si Drilon sa 209 sa 214 na sesyon sa Senado. Noong mga panahong iyon, atrasado sa pagdating sa Senado si Drilon nang 16 na beses at nasa official mission sa limang araw ng sesyon.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Halos makakuha rin si Sen. Gregorio Honasan II ng perfect attendance dahil minarkahan siyang absent at late ng isang beses sa lahat ng 214 na sesyon sa nakaraang tatlong taon.

Samantala, absent naman si Sen. Teofisto “TG” Guingona III sa halos kalahati ng 16th Congress dahil nasa labas ito ng bansa nang 78 beses para sa official mission.

Habang si Majority Leader Alan Peter Cayetano, na umaasang makauupo bilang susunod na Senate president, ay nakadalo lamang sa 137 sesyon.

Bigo rin si Cayetano na makumpleto ang kanyang attendance noong 15th Congress noong siya ay minority leader.

Sumunod kay Cayetano si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakadalo sa 146 sa kabuuang 214 na sesyon.

Limampu’t anim na beses siyang minarkahang nasa “official mission” ng Senado. (Hannah L. Torregoza)