BANGKOK (AFP) – Humingi ng paumanhin ang Thai budget airline carrier na Nok Air noong Lunes matapos magbiro ang isa sa mga piloto nito na ibabagsak ang eroplanong sinasakyan ng pinatalsik na premier na si Yingluck Shinawatra.

Nagkomento ang piloto sa isang social media chat group na ginagamit ng mga piloto ng Nok Air at kalaunan ay lumabas sa publiko. Dito nagpaskil ang piloto ng litrato ni Yingluck na paakyat sa kanilang Nok Air flight nitong weekend.

Isang chat member ang sumagot na “We have prey on board”. Nagkomento ang isa pa na “CFIT”.

Ang CFIT ay aviation acronym para sa “controlled flight into terrain”, isang termino na ginagamit para ilarawan ang hindi sinasadyang pagbulusok ng piloto sa isang eroplano na walang problemang teknikal.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sa isang tugon sa komento ng Nok Air pilot, isinulat ni Yingluck sa Facebook na “private attitudes should not be link with professional services”.