Nanawagan si Sen. Loren Legarda sa sambayanan na higit pang pagyamanin ang nakamit na kalayaan ng bansa sa paggunita na rin ng ika-118 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon kay Legarda, nananatiling nakagapos ang sambayanan sa tanikala ng polusyon na pangunahing problema ngayon n gating bansa.

“We celebrate our Independence Day commemorating the sacrifices made by our heroes who laid down their lives to break free from the clutches of oppression. But while we are a sovereign nation, we continue to live in a polluted environment that has trapped us in a cycle of disaster vulnerability and poverty,” ani Legarda.

Aniya, masagana ang ating kalikasan pero nananatiling mahirap ang ating bansa dahil na rin sa kapabayaan sa ating kapaligiran na siyang apektado kapag nagkakaroon ng delubyo. (Leonel Abasola)

Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'