EJAY AT YAM copy

FINALLY, nagkaroon na ng closure sina Ejay Falcon at Yam Concepcion nang gawin nila ang isang pelikula na handog para sa mga OFW.

Kuwento ng aming source, hindi makuha nina Ejay at Yam ang tamang pag-arte dahil nagkakailanganan kaya ang ginawa ng direktor ay, “pinag-sensitivity workshop sila ni Direk na piniringan ang mga mata ‘tapos pinahawak sila sa mga parte ng mga katawan nila.

“‘Tapos sabi ni Direk, mag-whisper sila sa isa’t isa ng mga gusto nilang sabihin sa isa’t isa. Si Ejay panay ang sorry kay Yam na talagang up to the point na mapapaiyak na, puro sorry lang narinig namin.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?

“‘Tapos may eksenang maghahalikan sila, totoo ‘yung luhang lumabas pareho sa mga mata nila. Alam mong may longing ‘tapos biglang may closure. Kaya hayun, okay na sila, hindi tulad dati na dedmahan.”

Oo nga, tatlong taon na ang nakalipas dahil Dugong Buhay days pa nu’ng magkaroon ng relasyon sina Ejay at Yam na hindi naman magtagal pero ngayon lang nakapag-usap nang maayos.

Natatandaan naming sabi ni Yam ay iniwan daw siya sa ere ni Ejay, biglang hindi na nagpakita o tumawag man lang kaya naman pala itong si Babae, e, maraming hugot lines tuwing nababanggit ang pangalan ng aktor.

At least ngayon okay na dahil humingi na si Ejay ng sorry at si Yam naman ay masaya na rin sa piling ng boyfriend niya na nakabase sa Amerika at kada buwan ay nagkikita sila.