SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Naging matagumpay ang buy-bust operation ng pulisya sa lungsod na ito makaraang makorner ang number three drug personality sa siyudad, nitong Biyernes ng hapon.

Dinakma si Alejandro Mendoza y Casillan, alyas “Ali”, 46, residente ng nasabing lugar, matapos maaktuhan sa pagbebenta ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, sa pulis na poseur buyer kapalit ng P500.

Sa interogasyon, tumanggi si Mendoza na sabihin kung saan nanggagaling at kung sino ang supplier ng ibinebenta niyang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito