Ipinamalas ng dating kampeon IPPC Hawks ang matinding pagnanais na muling angkinin ang nabitiwang korona nang pulbusin ang University of Santo Tomas, 8-0, sa tampok na laro sa eliminasyon ng 2016 PSC Commissioners Baseball Cup kahapon sa Rizal Memorial Baseball Field.

Nagtulong ang mga pitcher na sina Vladi Eguia na nagpitch sa limang inning para sa no run, 1 hit, 7 strikeout, habang pumukol si Darwin Dela Calzada sa huling apat na inning para sa no run, 1 hit, 9 strikeout upang itulak ang Hawks sa ikaapat na sunod na panalo.

Maagang pumalo ang Hawks para patatagin ang kampanya tungo sa panalo at angkinin ang unang silya sa Pool C tungo sa cross-over quarterfinals.

Unang tumuntong sa homeplate si Jaynard Pareja na may 1 run, 1 hit bago sinundan ni Joseph Orillana na may 2 runs, 2 hits at 1 RBI sa first inning habang nagtala ng earned run si Marvin Malig na may 1 run, 2 hits at 1 RBI sa ikaapat na inning.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Samantala, pinagpiyestahan ng defending champion Philippine Air Force ang naghahanda para sa paglahok nito sa Asia Pacific Little League Series na Vitarich ILLAM, 21-1, para sa ikaapat na dikit na panalo. (Angie Oredo)