Binabalak ng Provincial Anti Illegal Drugs Special Operations Task Group na magkabit ng mga telephone hotline sa isla ng Boracay para sa kampanya nito laban sa illegal drugs.

Ayon kay Police Senior Inspector Jigger Gimeno, hepe ng anti illegal drugs task group ng Aklan Provincial Police Office, kailangan nila ang tulong ng mga turista dahil karamihan sa mga nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Boracay ay mga turista rin mismo.

Nahihirapan ang PNP na sugpuin ang droga sa Boracay dahil hindi nila mapasok para ma-monitor ang ilang mga private party na ekslusibo lamang sa mga turista.

Ilalagay ng PNP ang telephone hotline sa ilang pampublikong lugar sa Boracay katulad ng entrance at exit sa Caticlan jetty port para malaman ng mga turista. (Jun N. Aguirre)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga