Nabigo man makapagkuwalipika sa 2016 Rio Olympic Games, ipinamalas na lamang ni Jann Mari Nayre ang kanyang husay sa 1st Governor Cherry Umali at Mayor Panday Dizon Open Table Tennis Tournament kamakailan sa Guimba Nueva Ecija Gym.

Tinalo ng beterano sa 2016 World Championships at Asian Table Tennis Olympic Qualification Tournament ang nakababatang kapatid na si Glendo, 3-2, upang maiuwi ang korona sa tampok na kategorya na Open Team Philippines.

Nakopo niya ang tropeo at premyong P30,000 habang nagkasya ang kapatid nito sa P20,000 runner-up.

Katulad na premyo rin ang iniuwi ng mga nagwagi sa Palarong Pambansa at International Liha category. Kampeon sa Palarong Pambansa si Francis Vendevil, habang ikalawa si Joel Paraguya. Ikatlo at ikaapat naman sina John Russel Misal at Kriby Colis.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang nabigo rin sa Rio qualifier na si Richard Gonzales ang nagkampeon sa International Liha category, habang ikalawa si Joseph Cruz. Ikatlo at ikaapat sina Nico Cruz at Michael Valentines

Tinanghal na kampeon sa Beginners si Joshua Manlapaz, ikalawa si Aena Marcelino, ikatlo si Bryan Callejo at ikaapat si Ralph Ramos.

Nagwagi sa Provincial category si Carl Joseph Carrasco na sinundan nina Matt Andrew Ramos, Christian Balanquit, at MC Dranreb Africa. (Angie Oredo)