Bicol Drive (2) copy

Tulad ng Davao City, na dinarayo ngayon dahil sa pagkapanalo ni Mayor Rodrigo Duterte sa presidential race, lalong naging sikat ngayon ang Bicol matapos magwagi ni Camarines Rep. Leni Robredo sa vice presidential race.

Pinag-uusapan, pinupuntahan, marami ngayon ang dumarayo sa Bicolandia upang magisnan ang lalawigan ni Robredo na kasado nang manilbihan bilang pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Bukod sa isyu ng pulitika, talagang pinupuntahan ang lugar na ito sa Katimugang Luzon dahil sa magagandang tanawin, masarap na pagkain at mababait na residente na ibinabahagi ang mayamang kultura sa libu-libong turista na nagtutungo dito taun-taon.

KILALANIN: Si Royina Garma at ang isyung kinasasangkutan niya hinggil sa war on drugs

Ito rin ang nag-udyok sa pinakamalaking grupo ng may-ari ng Isuzu mu-X SUV na nakilala dahil komportableng sakyan at maaasahan sa malayong biyahe.

Sa inisyatibo ng Isuzu Philippines Corp. (IPC), bumisita ang mahigit 24 na miyembro ng mu-X Club sa iba’t ibang lugar sa Bicol bilang bahagi ng IPC Bicol Express Caravan nitong Mayo 20.

Kasama ang kani-kanilang pamilya, nagsimula ang tatlong araw na biyahe sa San Pedro, Laguna, patungong Legazpi City.

“Mahalaga ang komunikasyon ng mga costumer sa aming operasyon,” pahayag ni IPC Marketing Head Joseph Bautista.

“Nakakausap namin sila, nakakukuha ng feedback hinggil sa performance ng mu-X, at nakikita ang kanilang passion sa pagmamaneho ng mga sasakyan ng Isuzu, ay nagsisilbing inspirasyon sa amin,” ani Bautista.

Maginhawang sakyan na may malaking cargo area dahil sa seven-seat capacity nito, dumarami ang tumatangkilik sa Isuzu mu-X.

Tinahak ng mga Isuzu mu-X owner ang Quezon Eco-Tourism Road patungong Gumaca, Quezon bago sila napadpad sa Naga City kung saan binisita nila ang Basilica of Our Lady of Penafrancia.

Sa ikalawang araw, binisita naman ng mga mu-X owner ang Kawa-Kawa sa Ligao, Hoyop-Hoyopan Cave at Cagsawa Ruins.

Sa kanilang pagbalik sa Metro Manila sa ikatlong araw, tone-toneladang pasalubong ang kanilang binili at ikinarga lahat sa mu-X. (ARIS R. ILAGAN)