CABANATUAN CITY - Pitong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 65-anyos na retiradong empleyado makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang naglalakad sa bisinidad ng AGL Subdivision sa Barangay Mayapyap Sur ng lungsod na ito, Lunes ng umaga.

Hindi pa tukoy ng Cabanatuan City Police ang motibo sa pagpatay kay Arsenio Galapon y Padre, may asawa, residente ng AGL Subdivision, na malapitang pinagbabaril ng suspek bago mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ni PO2 Kristopher Ong, dakong 11:50 ng umaga nitong Lunes at nag-iisang naglalakad si Galapon nang sundan siya ng mga suspek na sakay sa motorsiklo at nang tumapat sa kanya ay paulit-ulit siyang binaril.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Mag-asawang bitbit ang bangkay ng anak na sanggol, patay sa aksidente