Mga laro bukas (Rizal Memorial Baseball Field)

7 n.u. -- PAF vs Adamson

9 n.u. -- Big Daddy’s vs UP

11 n.u. -- PUP Smokey vs La Salle Antipolo

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

 

Binokya ng Unicornz ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Smokey, 13-0, para sa ikatlong sunod na panalo sa ginaganap na 2016 Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner’s Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Nagtala ng isang run sa first inning, tatlo sa third, isa sa fourth, dalawa sa fifth at anim sa sixth ang Unicornz tampok ang magkakapatid na sina Daniel, Carlito, Matt at Jeff Laurel upang mamuno sa Pool B.

Unang umiskor si Carlito Laurel ng homerun sa first inning bago umulit sa third kasama ang kapatid na si Matt at  Noel Uichico para sa tatlong run na nagbigay sa Unicornz ng apat na run na abante. Umiskor muli si Uichico sa ikaapat na inning bago nagdagdag sina Francis Michael Gesmundo at Carly Munoz ng tig-isa sa fifth inning.

Tuluyan nang iniwanan ng Unicornz ang kalaban matapos pumalo ng 3-run homer si Matt Laurel bago sinundan ng earned run ni Felipe Claudio Remollo, Gesmundo at bago tinapos ng isa pang solo homerun ni Kyle Santamaria ang labanan sa loob ng pitong inning.

Naunang tinalo ng Unicornz ang Thunderz, 5-2, habang binigo ng Adamson ang naghahanda para sa paglahok nito sa Asia Pacific World Series na Vitarich-ILLAM, 15-3.

Nagwagi rin ang 2015 Philippine National Games at SCUAA champion Rizal Technological University kontra sa University of Santo Tomas- Golden Sox, 5-2. - Angie Oredo