Ni JIMI ESCALA

NASA cloud nine pa ang actor na si Jake Cuenca dahil sa pagkakapanalo niya bilang best actor sa World Cinema Festival sa Brazil para sa pelikulang Mulat last May 22 sa Copacabana, Brazil.

Kuwento ni Jake, hindi niya sukat-akalaing madagdagan agad ang kanyang best actor award dahil sa nasabing pelikula. Matandaang nagwagi rin si Jake sa 2014 International Film Festival Manhattan (IFFM).

“Matagal ko na kasing ginawa ang movie na ‘yan. So, parang ‘sinali lang ng director ulit kasi last time I heard about the movie was when I won an award nga sa New York,” sey ni Jake.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

May ibang international filmfest pa raw na sasalihan ang Mulat. So, madagdagan pa pala ang best actor award niya?

“Well, sobra na yata ‘yun pero sino ba ang may ayaw, di ba?,” natawang sagot ng alaga ni kaibigang Niel de Guia.

Bukod sa best actor award ay nagwagi rin ang nasabing indie ng Best Narrative Award. Ang awards na ito ang nagbigay sa kanya ng panibagong inspirasyon para patuloy na gumawa ng indie movies.

“You win an awad from different countries. Parang nakakagaan at lalong gaganahan kang gumawa ng magagandang project,” sey ng Star Magic talent.

May acting awards na ring natanggap si Jake mula sa local award-giving bodies pero iba raw ang nararamdaman niya ngayong nakadalawang international award na siya.

“’Yung best actor ko na panalo ko nang dalawang beses sa dalawang international award, eh, something na iti-treasure mo talaga nang husto. Sana masundan pa rin tayo ng magagandang project na puwede ring ilaban sa international competition,” banggit pa ng actor.

Busy ngayon si Jake sa proyektong Because You Love Me kasama sina Gerald Anderson at Yen Santos.