Nalasog ang murang katawan ng isang tatlong taong gulang na lalaki makaraang masagasaan ng truck sa Cavite City, kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Jamarie Casupanan, residente ng 1330 J. Felipe Blvd., Barangay 33, Caridad, Cavite City.

Nadakip naman ang truck driver na si Erickson Candort, 36, ng 589 R. Palma Street, Bgy. San Antonio, Cavite City.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa J. Felipe Blvd. sa Bgy. 33, Caridad, Cavite City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglalaro umano ang biktima sa labas ng kanilang bahay kasama ang mga pinsan na may edad anim, walo, at 12, nang hindi nila napansin na nakalayo na ang biktima at diretsong tumawid ng kalsada kaya hindi na naiwasang masagasaan ng dumaraang Isuzu Elf utility truck (WPX-169) na minamaneho ni Candort.

Dead-on-the-spot ang biktima matapos malasog habang kusang-loob namang sumuko ang suspek.

Sumang-ayon naman umano na makipagkasundo ang ama ng biktima sa may-ari ng truck na nangakong tutulungan ito sa pagpapalibing sa bata. (Beth Camia)