ITINAKDA ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, Inc. (FPPCPI), na pumuri kay presumptive President Mayor Rodrigo R. Duterte sa mahusay na pagkakapili ng kanyang Gabinete, ang kanilang press congress sa Hunyo 17-18, sa Davao City upang pag-aralan kung anu-ano ang mga magiging gampanin ng provincial media sa susunod na administrasyon at sa isyu na rin ng Federalism.

Ang pagpupulong na ito ng community press sa ating bansa ay napakahalaga. Ang bagong pamamahala sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Duterte ay kinakailangan ng malawakang information campaign upang mapagsama-sama ang suporta at pagkakaisa ng ating mga kababayan.

Ito ang panahon upang unawain ang campaign programs at mga pangako ng mga naluklok sa puwesto. Kinakailangang maunawaang mabuti ng provincial media, na mas kilala bilang community press, ang kanilang mga dapat gawin kaugnay sa kanilang responsibilidad sa serbisyo at mga gampanin.

Naniniwala si FPPCPI president Allan Sison, tagapagsalita ng national federation of press clubs, na pinili at pinag-isipang mabuti ng bagong halal na Pangulong Duterte ang bubuo ng kanyang Gabinete, partikular na ang nakatakdang pagtatalaga sa veteran peace negotiator na si Jess Dureza, isang mahusay na manunulat; at kina dating newspaper editor at North Cotabato governor Manny Piñol, personal lawyer ni Duterte na si Salvador Panelo, nagsusulong ng press freedom at mabuting kaibigan ng practicising journalists; at si Prof. Perfecto Yasay, dating SEC chair.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Si Gold Star Daily Mindanao columnist Alejandro Jose C. Pallugna ay itatalaga bilang Immigration Commissioner. Isang kilalang abogado, si Pallugna na isang university professor ay isa sa mga nangungunang volunteer noong panahon ng kampanya para kay Duterte.

Inorganisa at pinondohan ni Pallugna ang Final Orientation of Lawyers at Paralegals na nagsilbing legal coordinators noong ika-9 ng Mayo. Noong kasagsagan ng Canvassing sa dalawang rehiyon, siniguro ni Pallugna ang mga COC sa mga nasabing lugar at ipinadala ang mga ito sa Maynila para sa National Duterte Canvassing Team, pinamunuan ni Atty. Vitaliano Aguirre.

Ang mga civic group at volunteer ni Duterte ang nagsusulong kay Pallugna na maitalaga.

Umaasa kami na ang isang masipag, kompetitibo at matapat na mga tao gaya ni Pallugna ang mabigyan ng pagkakataon na mapaglingkuran ang bansa at ang mga tao. (Johnny Dayang)