Kevin Durant

Warriors, napigilan ang Thunder; serye, dumikit sa 3-2.

OAKLAND, California (AP) — Sugatan at nasa bingit ng kapahamakan ang Golden State Warriors. Ngunit, wala sa bokabularyo ng defending champion ang sumukong nakahandusay at hindi lumalaban.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa pangunguna ng kanilang lider at back-to-back MVP na si Stephen Curry, kumasa ng 31 puntos, nanindigan ang Warriors at sa harap nang nagbubunying home crowd sa Oracle Center, itinarak ang 120-111 panalo laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 5 ng Western Conference finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Naghahabol pa ang Warriors sa 2-3 sa best-of-seven series at kakailanganin nila ang higit pang tapang at katatagan para maisalba ang krusyal na Game 6 sa Sabado (Linggo sa Manila), sa Oklahoma City.

Dumagundong ang arena sa hiyawan at pagbubunyi nang maisalpak ni Curry ang pahirapang lay-up para panatilihin ang bentahe ng Warriors sa huling dalawang minuto ng laro.

Kumasa rin si Curry ng anim na assist, habang kumubra si Klay Thompson ng 27 puntos.

“We’re not going home! We’re not going home!” hiyaw ni Curry sa harap ng crowd habang tinatapik-tapik ang kaliwang dibdib.

Nanatiling mainit ang opensa nina Kevin Durant na tumipa ng 40 puntos at Russell Westbrook na may 31 puntos, walong assist, pitong rebound at limang steal, ngunit sa pagkakataong ito ay nabigo silang sandigan ang Thunder, nagtatangka para sa ikalimang NBA Finals at kauna-unahang titulo mula nang makamit ng dating prangkisa na Seattle SuperSonics ang korona noong 1978-79 season.

Naisalpak ni Durant ang three-pointer may 4:34 sa laro, ngunit nakabawi ang Warriors sa three-point play ni Curry.

Matikas at mabilis ang pagkilos ng Thunder para maibaba ang bentahe ng Warriors tungo sa huling dalawang minuto subalit hindi nagpatinag ang defending champion.

Nag-ambag si Australian center Andrew Bogut ng playoff career-high 15 puntos at 14 na rebound, habang tumipa si back-up forward Marreese Speights ng 14 na puntos.