MULING tinutuldukan ni Khloe Kardashian ang relasyon kay Lamar Odom bilang asawa, sa ikalawang pagkakataon.

Naghain ng diborsiyo ang reality star laban sa NBA pro nitong Huwebes, ipinahayag ang hindi nila pagkakasundo, ayon sa ulat ng TMZ. Naiulat na nag-uusap naman ang dalawa, gayunman, alam ni Odom na naghain na si Kardashian ng papeles.

Matatandaan na unang naghain ng diborsiyo ang 31 taong gulang laban kay Odom, 36, noong Disyembre 2013. Ilang linggo bago isapinal ang mga papeles, ipinatigil ni Kardashian ang proseso. Nangyari ito nang matagpuang walang-malay ang Los Angeles Lakers basketball player sa kanyang kuwarto sa Love Ranch Brothel sa Crystal Ranch, Nevada. Inalalayan ni Kardashian ang dating asawa hanggang sa gumaling ito.

“I’m there helping him and I love him and I’ve always loved him,” paliwanag ni Kardashian. “That will never change, and I just feel like it’s a really insensitive thing to fast forward a divorce.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong nakaraang buwan, isang source na malapit kay Kardashian ang nagsabi sa ET na muli siyang maghahain ng diborsiyo “soon”. May source rin na nakapagsabi na si Kardashian ay “moving forward with the divorce.”

Nagpakasal sina Kardashian at Odom noong 2009 isang buwan matapos magkakilala. (ET Online)