Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampublikong paaralan na huwag obligahin ang mga estudyante na bumili ng mamahaling gamit pang-eskuwela sa nalalapit na pagsisimula ng klase sa Hunyo 13.

Ipinahayag ng DepEd ang panawagan kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang special monitoring activity sa school supplies sa mga bookstore sa paligid ng Recto Avenue, Manila noong Martes.

Hiniling ni DepEd Assistant Secretary for Legal and Legislative Affairs Atty. Tonisito M.C. Umali sa mga school administrator na iwasan ang pag-utos ng anumang branded o mamahaling school supplies na magpapahirap sa budget ng mga magulang.

“Maski po yung mga lumang kwaderno na spiral na may sobrang pahina na hindi nagamit noong nakaraang taon ay pwedeng pagsama-samahin at tahiin,” sabi ni Umali.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inirekomenda ng opisyal ng DepEd ang “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” na inilabas ng DTI upang magabayan ang mga consumer sa kanilang pamimili ng school supplies. Ang link ay nakapaskil sa official website at social media accounts ng DepEd. (PNA)