Ni NORA CALDERON
MALINAW nang dapat ay may courtesy call sina Alden Richards at Maine Mendoza kay Philippine Ambassador Mercedes P. Tuason sa Philippine Embassy to the Holy See sa Vatican in Rome noong Wednesday, May 18. Kasama rito ang ticket nila para sa audience with Pope Francis ng pilgrims na naiipon sa St. Peter’s Square. Nagtampo ng fans kay Alden nang mag-isa siyang pumunta ng Rome at hindi niya kasama si Maine.
Pero may shooting si Maine nang hapong iyon, na first shooting day rin nina Jasmine Curtis Smith at Irma Adlawan kasama siya. Hindi puwedeng hindi puntahan ang naka-schedule nang courtesy call kay Ambassador Tuason at sayang din ang ticket nila para sa audience with the Pope dahil pahirapang makakuha nito, kaya walang nagawa si Alden kundi tumuloy sa Vatican, kahit hindi kasama si Maine.
Nag-train lang si Alden at ang handler niya kaya may nakakita sa kanya sa Stazione Termini sa Rome at nakapagpa-photo op sa kanya ang fans.
Sinamahan si Alden ng Filipino priest sa Vatican na si Father Lem at thankful si Alden na natupad na sa wakas ang isang wish niya, na makita si Pope Francis in person, bago sila tumuloy sa Philippine Embassy to the Holy See.
Naroon na rin lang, pumunta na si Alden sa Fontana de Trevi (o ang tinatawag na famous na Three Coins in the Fountain). Dahil summer, kita napakaraming turista. Naghagis ng coins si Alden, iyon daw ay para muli siyang makabalik doon.
May mga nagsasabi na sa pamamagitan daw ng paghahagis ng three coins na sabay-sabay ay matutupad ang wish na hihilingin doon. Since hindi nga niya kasama si Maine, tiyak na iyon ang wish ni Alden.
Makabalik kaya silang dalawa ni Maine roon bago sila umuwi ng Pilipinas sa May 28? Kung hindi man, marami pa naman silang time para makabalik doon, lalo na kung pagbibigyan ng APT Entertainment at GMA Films ang request ng AlDub Nation sa Italy na magkaroon ng screening ang movie nila na ngayon ay may working title pang Imagine You & Me at dinidirek ni Mike Tuviera.