Sinabi kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang ibinigay na “deadline” sa kanilang pagsisikap na maisalba ang mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Ito ang binigyang-diin ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), matapos muling maglabas ng video ang ASG at itinakda ang Hulyo 13 bilang huling araw ng pagbibigay ng ransom kapalit ng kalayaan ng Canadian na si Robert Hall at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad kasama ang isang Pinay na dinukot sa Samal Island, Davao del Norte.

“Doon sa bagong deadline, sila naman ang nagse-set ng deadline, sa amin simula noon hanggang ngayon, wala kaming deadline na tinitingnan. Simula nang nagkaroon ng ganyang mga event, tinatrabaho na ng tropa namin ng maayos yan. If we do not act kasi malayo pa ang deadline, problema yun, ‘di ba? And if we act kasi malapit na ang deadline, eh, ‘di problema din yun. The attitude of the Armed Forces towards the operation ay tuloy-tuloy at intensified at hindi tayo nagbabago ng momentum dahil may deadline,” wika ni Tan. (Fer Taboy)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal