Mahigit 12,000 ang pumasa sa Licensure Exam for Teachers-Elementary Level nitong Marso.

Ayon sa ulat ng Professional Regulation Commission (PRC), 12,128 mula sa kabuuang 42,739 examinees ang nakapasa sa pagsusulit na isinagawa nitong Marso 20.

Sa kabuuang exam passers, 3,906 ang first timers o ngayon pa lang kumuha ng eksamin, habang 8,222 ang repeaters.

Sinabi ng PRC na ang pagpapatala para sa issuance ng Professional Identification Card at Certificate of Registration ng mga pumasa ay isasagawa online sa www.prc.gov.ph mula Mayo 30 hanggang Hunyo 2, 2016. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Zephanie Dimaranan, may nilinaw sa naging relasyon nila ni Michael Sager