Alden Maine Jasmine Coco Mayor Mario Lucini Direk Mike copy

DUMATING si Jasmine Curtis-Smith sa Como, Italy nitong nakaraang Tuesday para sa shooting ng first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na may working title na Imagine You & Me for APT Entertainment, Inc. at GMA Films.

Mabilis na nag-post sa kanilang Instagram account ang AlDub Nation ng, “We warmly welcome you to AlDub Maiden, MaiChard Nation, Jasmine Curtis Smith. We know you will enjoy working with our bibis (babies) Alden and Maine.”

Mukhang hindi na nagpahinga si Jasmine, dahil nakita agad siya sa location kasama nina Alden, Maine, Direk Mike Tuviera at ang Como Mayor na si Mario Lucini hindi namin alam kung nag-courtesy call ang grupo sa kanya o kasama lamang siya sa shooting, dahil maraming Italians na naging parte ng movie). 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mabilis kumalat sa social media ang pagdating ni Jasmine at may mga nag-comment na ang ganda pala si Jasmine. 

May nagtatanong naman kung ano ang role ng young actress na napansin nilang hawig daw ang beauty kay Maine. Hindi raw kaya magkapatid sina Jasmine at Maine sa movie?

Maghintay na lang siguro tayo kung ano talaga ang story ng movie, dahil wala pang gustong magkuwento kung ano ba talaga ang istorya. Siguro naman ay hindi sila dadayo ng Italya kung hindi maganda ang story at hindi magugustuhan ng mga manonood, lalo na ng AlDub Nation.

Samantala, talagang isinisingit nina Maine at Alden ang kahit ilang minuto lamang na marinig o mapanood sila ng fans and televiewers sa kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Noong Tuesday afternoon, kahit kagigising pa lamang ay maaga silang nag-report sa shooting sa Lago de Como, pagkatapos nilang makabalik from Verona, Italy, pero ilang minuto pa rin silang nakausap nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) habang ipinapakita ang video nila sa pamamagitan ng cellphone. 

Sumbong ni Alden sa mga lola, kahit mataas ang sikat ng araw, seven degrees ang temperature sa location at nakalimutan na naman ni Maine na magdala ng jacket kaya sabi ng mga lola, yakapin na lang niya ito. Alden shared his jacket to Maine. 

Hintayin na lang natin ang mga susunod pang updates mula sa shooting at sa fans na bumibisita sa shooting. 

(Nora Calderon)