MINNEAPOLIS (AP) — Tinanghal na Rookie of the Year si Karl-Anthony Towns ng Timberwolves.

Nakamit ng 7-foot forward ang lahat ng boto ng sportswriters at broadcaster para makamit ang parangal at maging ikalawang Wolves na nagwagi ng Eddie Gottlieb Trophy sa ikalawang sunod na season.

“This is such a landmark in my career,” pahayag ni Towns.

“But it’s not the last one.”

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumanggap ang top pick sa 2015 draft mula sa Kentucky ng 130 first-place votes. Napabilang siya sa listahan ng “unanimous winner” na kinabibilangan nina Damian Lillard (2013), Blake Griffin (2011), David Robinson (1990) at Ralph Sampson (1984).