PARANG birthday presentstion ni Dennis Trillo ang pilot airing kagabi ng Juan Happy Love Story. Birthday kasi ng aktor noong May 12.

Masaya ang birthday ni Dennis dahil kasama niya ang lady love niyang si Jennylyn Mercado. Nakita sila sa Maldives na nagbabakasyon. Huwag na nating kulitin ang dalawa sa relasyon nila dahil hindi pa rin nila sasabihin.

Samantala, babaero at pilyo ang role ni Dennis sa Juan Happy Love Story at inamin niya sa mga reporter na chickboy at pilyo siya, pero dati raw ‘yun, dahil nagbago na siya.

“Nakatutuwa ang karakter ko dito na lahat ng butas gustong pasukan. Iba siyempre sa real life,” bitin na sabi ni Dennis.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Kaya tinanong siya ng press people kung kasama sa pagbabago niya ngayon ay isang butas na lang ang gusto niyang pasukan?

“Ha-ha-ha! Kayo talaga, may double meaning ang tanong n’yo. Sabihin na lang natin na okay na ako ngayon,” sagot ni Dennis.

Napapanood ang Juan Happy Love Story pagkatapos ng Once Again sa direction ni LA Madridejos. (NITZ MIRALLES)