Tinalo ni Pinoy fighter Jeffrey Francisco ang Hapones na si Yusuke Suzuki sa 12-round split decision para matamo ang WBC Eurasia Pacific Boxing Council bantamweight title kamakailan sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay City.

Nakipagsabayan si Francisco sa Hapones na minsang tumalo sa kasalukuyang kampeon ng Pilipinas at ka-stable na si Monico Laurente para makuha ang panalo.

Inaasahang papasok sa top 15 ng WBC bantamweight rankings si Francisco na napaganda ang rekord sa 14-1-1 karta.

Sa undercard ng laban, nasungkit naman ni Richard Pumicpic ang bakanteng WBC International super bantamweight title nang palasapin ng unang pagkatalo si Joe Noynay.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Inaasahan ding papasok sa WBC rankings si Pumicpic na napaganda ang kanyang kartada sa 18-7-2 win-loss-draw na may 6 na panalo sa knockouts at idagdag ang regional title sa dati niyang hinawakang WBC Youth Silver bantamweight crown.

(Gilbert Espeña)