DANIEL AT ROBIN_please crop the letters copy

MAY video post si Robin Padilla sa Instagram (IG) tungkol sa pamangkin niyang si Daniel Padilla. May mga nag-react na followers ng aktor dahil baka raw pagsimulan iyon ng isyu sa Padilla family.

Nilagyan ni Robin ng title na Sacrificial Lamb ang video at may picture ni Daniel. Ang caption ni Robin ang matindi ang dating dahil nakasaad na, “Paumanhin sa lahat ng mga nasaktan ni Daniel Padilla at hinihingi ko ang suporta ng aking kapanalig sa Disiplina Duterte na wag sakyan pa o bigyan ng pansin ang diversionary tactics ng Magdalo at alisin natin ang atensyon kay Trillianes. Si Antonio TRILLANES ang kalaban hindi ang batang ito... Arbor ko na ang pamangkin ko na anak ng aking kapatid na si Kuya Rommel na apo ng aking ina na si Mama Eva. Mabuhay ang tunay na pagbabago.”

May isa pang video ni Daniel na ipinost si Robin sa IG at nilagyan naman ng caption na, “Ang batang ito ay mabuting anak sa kanyang tatay lalo sa kanyang ina. Ang batang ito ay mapagbigay sa kanyang mga kapatid sa ina at ama. Ang batang ito ay malambing na apo sa lahat ng kanyang Lola at Lolo. Ang batang ito ay magalang na pamangkin sa lahat ng kanyang mga Tito at Tita. Ang batang ito ay mapagmahal sa kanyang mga pinsan at kamag-anak. Ang batang ito ay alipin ng kanyang mga tagahanga. Ang batang ito ay simbolo ng bawat nating pagkamulat. Paumanhin sa lahat ng kanyang nasaktan hinihingi ko ang suporta ng aking mga kapanalig na wag sakyan ang diversionary tactics ng Magdalo.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

May kinaalaman sa pahayag ni Daniel na “shut up” sa mga hindi botante at dahil doon, na-bash ang aktor na karamihan ay supporters ni Duterte. Ayan, si Robin na ang nag-sorry, kaya itigil na ang pamba-bash kay Daniel. (NITZ MIRALLES)