PAGUDPUD, Ilocos Norte – Pinayuhan ni Pagudpud Mayor Marlon Sales ang publiko, partikular ang mga magsasaka, na mag-ingat at umiwas sa heat stroke, kasunod na rin ng pagkamatay ng dalawang katao dahil dito noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ni Sales na limang katao ang napaulat na nabiktima ng heat stroke dahil sa labis na pagkakabilad sa matinding sikat ng araw sa maghapon.

Ayon kay Sales, pawang magsasaka ang mga biktima na abala sa pag-aani sa kani-kanilang palayan. Dalawa sa mga ito ang nasawi, habang nagpapagaling na ang tatlong iba pa.

Noong nakaraang linggo, naitala ng local weather bureau ang pinakamataas na 44 degrees Celsuis sa Ilocos Norte.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Freddie G. Lazaro)