MONTREAL, Canada (AFP) – Kakaiba ang pinag-interesang nakawin sa Quebec: mga bubuyog na bibihira na ngayon sa North America.

Ang beekeeper na si Jean-Marc Labonte ay nawalan ng mahigit 180 beehive na nagkakahalaga ng $160,000 nitong linggo na ayon sa kanya ay ngayon lamang nangyari sa negosyo ng kanyang pamilya. “It’s very, very uncommon in Quebec,” aniya sa AFP.

Sinabi ni Labonte na may hinala siya na ang magnanakaw ay isa ring kapwa beekeeper na nawalan ng maraming bubuyog nitong taglamig.

Iniimbestigahan na ng pulisya ng pagnanakaw na nangyari noong Lunes sa isang apiary sa lungsod ng Victoriaville, may 160 kilometro mula sa hilagang silangan ng Montreal.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“It sickens me because bees are very rare” at nagiging mahal na dahil sa pagbaba ng kanilang bilang sa buong North America, niya.