SAN FRANCISCO (AP) – Inihayag ng Apple na bumaba ang quarterly revenue nito sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang dekada, sa pagbaba ng bentahan ng iPhone kumpara sa nakalipas na taon. Nagdagdag ito ng pressure sa world’s most valuable public company na mag-isip ng susunod na malaking produkto.

Bumenta ang Apple ng mahigit 51.2 milyong iPhone sa unang tatlong buwan ng 2016 – at kumita ng $10.5 billion sa quarterly profit. Mas malaki ito kaysa inasahan ng mga analyst, gayunman mas mababa sa 61 milyong iPhone na naipagbili noong nakaraang taon.

Nilalabanan ng kumpanya ng pananaw na ang huling mga iPhone ay malayo sa mga naunang modelo, kasabay ng pangkalahatang pagbaba ng benta ng mga smartphone sa buong mundo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'