Abril 27, 1960 nang inilunsad ang USS Tullibee, ang pinakamaliit na nuclear-powered attack submarine na nabuo.

Taglay ang mga bagong disenyo, nasa USS Tullibee ang iba’t ibang “firsts.” Ito ang una na mayroong Anti-Submarine Warfare weapon, at unang gumamit ng AN/BQQ-series Sonar.

“Venator-Necator” (Hunter-Killer) ang motto ng barko, na orihinal na binuo para tukutin at sirain ang mga submarine ng kalaban. Ang USS Tullibee ang unang nuclear-powered submarine na nakarating sa Submarine Development Group TWO sa Connecticut, United States.

Ito ay unang ginamit noong Nobyembre 9, 1960, at si Richard E. Jortberg ang unang Commanding Officer nito.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?